Eiwanku's Blog











{February 10, 2010}   I feel loved and blessed-part 2

ok! sinong mag aakala na may part 2 ang kwento ko? wala na sana akong balak pang pahabain ang kwento ni roomate kaso ilang araw na ang nagdaan pero humahagulgol pa din sya sa….sa…

sa…

sa…

sa…

sa..

sa….

sympre naman, sa lungkot!!

may humagulgol na ba ng iyak sa tuwa??? i doubt!!!!!

meron pala! pero sandali lang at hindi buong isang linggo!

minsan, na O-O A-han na ako sa ka roomate ko na ito.

feeling ko e naiyak lang kapag andito ako..

ok! naghahanap siguro ng comfort!

pero minsan, nakukulitan na talaga ako sa kanya..paulit ulit ba namang itanong ang mga sumusunod:

1. sa tingin mo magkakabalikan pa ba kami? – (nangangatal ang boses nya habang nagtatanong!)

2. masama ba sya?( nangingilid na ang luha sa kanyang mga mata,naman! alangang sa ilong)

3. naka move on na kaya sya? ( patulo na ang kanyang luha!)

4. ano bang naging kasalanan ko? ( patulo na ang isa pa nyang luha!)

5…hindi ko na naiintindihan ang pang lima nyang tanong dahil mas malakas pa ang paghagulgol nya kesa sa pagtatanong nya..

Nung una, lahat yan sinasagot ko ng sarili kong  opinyon,kuro-kuro at  pinapayuhan hango sa mga payo na nababasa ko sa tagalog pocketbooks na hinihiram ko sa aming kapitbahay na walang ginawa kundi magbasa ng magbasa ng mga nakakakilig na nobela..(ayun! tumandang dalaga! kakahanap ng mr.right na palaging laman ng pocketbook na binabasa nya!)

Hindi man ako eksperto sa pagbibigay ng payo tulad ni Dr. love at Joe the mango, nagbigay pa din ako ng payo na parang ate charo conchu!..

eto ang mga naging sagot ko sa mga katanungan nya…

1.Depende sa inyong dalawa yan.pwedeng oo,pwede din hindi. Hindi naman pwedeng ipilit ang mga bagay bagay kung wala na talaga at hindi bat mas masakit kung ipipilit lang ito…hindi na love ang maibibigay kundi awa nalang. Pili ka, babalikan ka nya dahil naawa sya sau pero sa bandang huli ay iiwanan ka pa din nya o iiwanan ka na nya ngayon  para makahanap ka na ng taong mas deserving para dyan sa undying love mo na yan?????

2. Hindi kami close kaya di ko alam kung masama sya!..joke!…. eto talaga ang sinagot ko, sa tingin ko, hindi sya masama, naging tapat lang talaga sya sa kanyang nararamdaman. Tinapos na nya at pinakawalan ka nya at pinakawalan din nya ang kanyang sarili dito sa isang relasyon na alam naman nyang walang patutunguhan dahil wala na o konti nalang ang love. Buti nga at sinabi nya ng maaga kesa umasa ka na dadalhin ka nya sa harap ng altar balang araw at magbibitiw ng salitang “i do”..

3. sa tingin ko, OO!!..joke ulit! ( bigla kasing humagulgol roomate ko kaya dinagdagan ko ng joke!). sa tingin ko ay nalulungkot din naman sya sa nangyari.hindi porket ikaw ang iniwanan at sya ang nag iwan e naging madali sa kanya yun..’Hindi madaling bumitaw sa isang relasyon lalo p at alam mong wala namang nagawang masama ang tao sau kundi mahalin ka lang ng lubusan”. naka-move on? hmmmm… siguro lamang lang sya sau ng isang kilometro kaya humabol ka na.

4.Wala kang naging kasalanan..kung meron man e yung nagmahal ka, minahal mo ang isang tao n g 110% at wala kang iniwan sa sarili mo. next time you fall in love…90% lang ang ibigay mo.ang 10 % e sa sarili mo para iwanan ka man ulit! e may matitira pa sau.

5. di ko na naintindihan ang tanong nya na ito.. at dahil dyan!!! YEhEY!!!! makakatulog na ako!!!

Tulad ng nasabi ko, hindi ako eksperto magbigay ng payo..kung may sagot kau sa tanong nya..maaari lang po na paki lagay sa comment section at paki lakipan na din po n g cash…joke lang po!

** tama ang naging desisiyon ko na i publish agad at di na ilagay pa sa draft ang entry na ito.dahil kung nagkataon, mapapabilang na naman ito sa mga unpublished post ko..

sa ngayon ay improving na si roomate..di na sya nahagulgol na parang aso..nahikbi nalang.

Advertisement


Lalaine says:

akalain mo! yun lang :D

muntik na opala ako maligaw dito :D



eiwanku says:

@lalaine
ano ba kasing daan ang tinahak mo?
next time, mag iwan ka ng butil ng tinapay sa daan habang papunta dito para di ka naliligaw..;)



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

et cetera
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.