i feel loved and blessed

Pebrero 1, unang araw para sa buwan ng mga puso, buwan para sa mga nagmamahalan.

2 masamang balita ang nakarating sa akin.

una, nabangga ng isang tricycle ang kotse ng bestfriend ko at sa parehong araw  ay nabannga din ng isang rumaragasang bus ang kotse ni special someone. Malaking pasasalamat sa Diyos at walang nangyaring masama sa mga mahal ko sa buhay..hindi ko alam gagawin ko kung sakaling isa sa kanila ay mayroon nangyaring masama.  thanks God! they are both fine;)

una at pangalawa na pala yan…tinamad na akong i-elaborate e..hehehe

kanina, nag text si roomate at sinabihan nya ako na pag uwi ko daw galing trabaho ay wag  daw muna akong lalabas dahil may pag uusapan kaming importante. napapaisip tuloy ako kung ano yun dahil parang seryoso ang text.iniisip ko nga na baka ang malakas na paghilik ko ang pag uusapan namin o kaya ang malakas na pag utot ko sa gabi.(Ngising aso!) e hindi ko naman talaga mapigilan ang umutot noh!..naging kabagain ako simula ng mapunta ako dito..

At dahil request nya na wag muna ako gumala..ok fine! di ako umalis..

Pagdating nya

kinabahan ako at baka sitahin na ako sa palagian kong pag utot sa gabi at naiistorbo ko sya sa ingay at baho.

hindi pala…..

bigla nalang humagulgol…..

at sympre in times like this….you need juicy fruit gum…joke..!

unang pumasok sa utak ko (kahit maliit yan,meron!) tungkol sa pag ibig ang kanyang idadaing..

at dahil may mala madam auring akong instinct….tumpak ang naisip ko…

di ko na ulit i-elaborate ang pinag usapan namin dahil tinatamad na akong mag type…

to be continue…………..

:-c

hindi biro ang mawalay sa pamilya…

lalo pat nalalapit na ang pasko..

unang pagkakataon sa aking buhay na i-ce-celebrate ko ang pasko ng walang pamilyang kasama…

dahilan upang  impit akong umiyak sa gitna dilim…

at sumigaw ng walang boses na…

MISS NA MISS KO NA ANG PAMILYA KO

foolish heart

kakahinayang…

sana tayo nalang….

sana pwede tayo..

problema..wala ka naman kamalay malay na gusto kita..

ok lang yun..mas mabuti pang wala kang alam kesa sa malaman mo na gusto kita, na unti unti akong nahuhulog sau..

toink!! pukpukin ko kaya itong puso at utak ko  ng pinong pino para manahimik…

madali lang naman kitang iwasan e…

alam kong wala kang ideya sa nararamdaman ko…

alam kong di mo din naman ito mababasa …

kaya…

alam kong hanggang dito lang ito..hanggang dito lang tau…

lilipas ang panahon na mawawala din ito..

lilipas ito na hindi mo alam kung sino ako at kung sino ang tinutukoy ko….

mananatili itong isang lihim…

BHELAT!!!!;p

itutulog lang kita ng ilang araw at mawawala ka na din sa panaginip ko..

girl

i know you are not yet the missing piece that i am looking for..echos!!

i miss pinas


“Hinahanap-hanap kita Manila
Ang ingay mong kay sarap sa tenga
Mga Jeepney mong nagliliparan
Mga babae mong naggagandahan
Take me back in your arms Manila
And promise me you’ll never let go
Promise me you’ll never let go “

Noon pa man ay alam ko na na mahirap ang buhay OFW. maraming ang dapat isakripisyo para lamang mapaganda at maging maayos ang mga mahal sa buhay na maiiwanan sa bansang tinubuan.

Sinabi ko noon sa sarili ko na hinding hindi ako mangingibang bansa. Hindi ako papayag na ang dayuhan ang makikinabang sa aking talento ( yun e kung may talento nga ako..meron pala!- yun ay ang kumain.maligo at magbihis ng hindi hihigit sa 5 minuto), ayoko na mapalayo sa aking mga mahal sa buhay para lamang yumaman, ayoko ..ayoko…

pero noon yun..yan ang mga panahon kung saan hindi ko nararamdaman ang kahirapan ng ating bansa, kung saan ang tanging iniisip ko lamang ay ang aking sarili at di inaalintana ang magdadaang araw.

eto ako ngayon, nakikipagsapalaran sa ibang bansa, nagpapaka alipin sa mga dayuhan. sila ang nakikinabang sa talento ko na sa pinas ko nakuha.  nakakalungkot pero dahil sa kagustuhan ko na makapag ipon ng sarili kong pera, tumayo sa aking mga sarili paa at makatulong kahit papaano sa aking pamilyang naiwan sa pinas, at mailibre man lang sa jollibee at di sa turo-turo ang aking mga dabarkads… ako ay nagtitiis dito.
Masaya na malungkot dito sa ibang bansa. malungkot dahil malayo ako sa aking pamilya at sa aking mga kaibigan. nahihirapan akong magtiwala ng lubos sa mga taong nakapaligid sa akin..madami na kasi akong naririnig bago pa man ako napunta dito na “huwag daw ako basta basta magtitiwala kahit kanino dito”. Nakakalungkot din dahil wala ako sa mga mahahalagang araw ng aking pamilya tulad ng birthday,kasal, binyag, family reunion, sa pasko, araw ng puso, graduation day  atbp.  mahirap din kung minsang nagkakaroon ng problema ang pammilya at wala ang presensya ko para man lang makatulong.

masaya?? oo! kahit papaano naman ay masaya ako dito.masaya ako lalo na kapag araw ng sahod… halos triple ang kinikita ko dito kumpara sa pinas…(hindi ako nagmamayabang,sinasabi ko lang ang katotohanan. o sige kung ayaw nyo ng triple, doble nalang!..mas makatotohanan ba???)  una akong nagpadala sa pinas,pakiramdam ko ay may silbi na ako sa mundo.feeling ko nakakatulong na ako sa pamilya ko at di na ako pabigat sa kanila. iba ang pakiramdam..(parang bagong ligo lang!).

matagal tagal pa ang pakikipagsapalaran ko dito sa ibang bansa. bakit?? e kadarating rating ko lang dito..

alam ko na marami pang bagay akong kahaharapin..alam kong madami akong pagsubok na susuungin..alam kong madami akong luha,pagod at sakripisyo na pagdadaanan..pero para sa pamilya ko, sa “future family ko” lahat ay aking kakayanin..sympre, sa tulong ni PAPA GOD…

LSS

Mag dadalawang linggo ko na itong kinakanta. aktwali, hin-hyme lang pala..di ko kasi alam ang lyrics kaya naman hinanap ko na sa internet ang lyrics para naman makanta, este, matula ko ang kantang ito habang ako’y naliligo.

PARA SA AKIN by:Sitti

Kung ika’y magiging akin
Di ka na muling luluha pa
Pangakong di ka lolokohin
Ng puso kong nagmamahal

Kung ako ay papalarin
Na ako’y iyong mahal na rin
Pangakong ikaw lang ang iibigin
Magpakailanman

[chorus]
Di kita pipilitin
Sundin mo pang iyong damdamin
Hayaan nalang tumibok ang puso mo
Para sa akin

Kung ako ay mamalasin
At mayron ka nang ibang mahal
Ngunit patuloy ang aking pagibig
Magpakailanman

[repeat chorus]

Kung ako ay papalarin
Na ako’y iyong mahal na rin
Pangakong ikaw lang ang iibigin
Magpakailanman

[repeat chorus 2x]

Para sa akin

i’m in love

i don’t know when or how it all started, the only thing i know now is….

”   i’m starting to fall in love with you again…..”

you really changed a lot. . the way you speak your mind, the way you handle the situations and even how you carry yourself..ibang iba na..astig..         na papa bilib  mo ako..

alam mo bang lihim mo akong napapangiti?

images

Mom-dicine

kahapon, hindi muna ako pumasok sa aking trabaho dahil sinamahan ko ang aking nanay na mag follow up ng kung ano anong mga papeles. balak din sana naming tumuloy sa ospital para makapag pa check up na ako.dami ko na kasing nararamdaman sa katawan.

1. nanlalabong mga mata.

2. sumasakit na likod

3. nabibinging tenga at

4. palagiang pagkahilo

sintomas na kaya ito na akoy tumatanda na talaga?? siguro nga. nasa late 20’s  na din naman ako. pero sabi ng nanay ay masyado pa daw akong bata para makaramdam ng ganitong mga sakit.

alam ko naman ang mga ilan sa dahilan ng mga sakit kong ito e

ang panlalabong mga mata ay dulot na pagbabad sa computer at palaging nagbabasa sa dim light.

ang pagsakit naman salikod ay dulot ng aking wrong posture kapag nagtratrabaho.

ang pagkabingi naman ay dulot ng aking sipon…mukhang na impeksyon ata ang aking tenga sa pagsinga ah..

at ang pagkahilo ay dahil bumababa na naman ang aking BP o blood pressure..tamad kasi ako at ayaw ko talagang inumin yung mga iron supplements na binibigay sa akin.mas lalo akong nahihilo e.

anyway,madami man akong idinadaing na sakit,masaya pa din ako.bakit? dahil alam ko na may nanay ako na palaging nasa tabi ko para alagaan ako..

mas mabisa pa din talagang panlunas ang pagmamahal ng ina kesa sa mga gamot na nabibili sa botika. Ito ay hindi nauubos at isangdaang porsyento na ito ay libre. kiss at hug lang kay nanay ang kapalit.

Thanks nanay sa pagmamahal na gamot na iyong ibinibigay parati sa aming magkakapatid.. i love you so much.

imageslove,

eiwanku

Ang Header na Regalo ni Teresa

Bago ang lahat, nais ko munang pasalamatan si teresa na syang gumawa ng aking cute na header.

Nag aaral kasi siyang mag photo shop kaya naman napagdiskitahan nya ang blog ko na lagyan ng header..ano pa ba ang magagawa ko kundi umo-o..hehe.mahirap nakung tumanggi ako..grasya din yun..pwede ba tere na gawan mo din ako ng entry dito sa aking blog kapag tinatamad ako..joke.

konting eksplinasyon kung bakit ganyan ang aking header..

kung mapapansin nyo ang aking header ay may isang babae na nakatanaw sa labas ng bintana at mukhang may iniisip na malalim..

yup, si eiwanku po ay isang babae na nag iisip kung anong magandang ipangalan sa blog nya..at sa kawalan ng idea kung ano ang magandang ipangalan..naisip nya na eiwanku ang ilagay dito..

mababaw lang po talaga ang dahilan..hehe.

yun lang po muna..

salamat ulit teresa..sa uulitin.